Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

Ang Panahong Hellenic 

(800 B. C. E. – 338 B. C. E. )



•Hellene – Katawagan ng mga Greek sa kanilang mga saril Hango ito sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece. 
 
 •Panahong Hellenic – Ang panahon ng kasikatan ng kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B. C. E. 

Ang Polis 
 
•Polis – Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece na itinuturing na lungsod-estado o city state sa kadahilanang ito ay malalaya, may sariling pamahalaan ang bawat-isa at ang pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa iisang lungsod.

•Acropolis -  Ang pinakamataas na na lugar sa mga lungsod-estado kung saan itinayo ng mga Greek ang kanilang mga templo.


ATHENS: ISANG DEMOKRATIKONG POLIS
  • Hindi naglaon, dalawang malakas na lungsod-estado ang naging tanyag – ang Athens at Sparta. Naging sentro ng kalakalan at kultura sa Greece ang Athens. Samantalang, sinakop ng Sparta ang mga karatig na rehiyon nito. Pinuwersa nito ang mga nasakop na lupain na manilbihan bilang helot o trabahador sa bukid.

  • Mula 594 B.C.E, pinalawig nina Solon, Pisistratus, Cleisthenes, at Pericles ang pamahalaan ng nakararami o democracy.  Direct democracy ang ipinatupad sa Athens dahil tuwirang nakibahagi ang mga mamamayan sa pamamahala. Subalit hindi kabahagi sa demokrasya  ng Athens ang mga babae at banyaga.


SPARTA: ISANG MANDIRIGMANG POLIS
Kaiba naman ang mga pangyayari sa Sparta. Nanatili itong isang oligarkiya at isang estadong militar. Ang pangunahing layunin ng Sparta ay lumikha ng magagaling na sundalo. Lahat ng mahihinang bata o yaong may kapansanan ay pinapatay. Tanging ang malalakas at malulusog lamang ang pinapayagang mabuhay.

ANG BANTA NG PERSIA


Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E, sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ito ni Darius I, ang nagmana sa trono ni Cyrus the Great, ang hangaring ito.


ANG DIGMAANG GRAECO-PERSIA 
(499-479 B.C.E)

  • Ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 B.C.E sa ilalim ni Darius. Tinawid ng plota ng Persia ang Aegean Sea at bumaba sa Marathon, isang kapatagan sa hilagang-silangan ng Athens.Tinalo ng 10, 000 pwersa ng Athens ang humigit kumulang 25, 000 puwersa ng Persia.
  • Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Nahirapang iwasan ng malalaking barko ni Xerxes ang maliliit na barko ng Athens na pilit na binabangga ang mga ito hanggang sa mabutas. Isa-isang lumubog ang plota ng Persia. 


s

PANAHON NI PERICLES

  • Pinuno ng Athens si Periclesmula 461 hanggang 429 B.C.E. Nangibabaw ang kanyang impluwensya sa buhay ng Athens sa loob ng 32 taon kung kaya ang panahong ito ay tinawag na Panahon ni Pericles.

  • Naniwala si Pericles na nararapat ang partispasyon ng mga mamamayan sa pamahalaan. Namayagpag ang demokrasya sa Athens sa panahon ni Pericles. Pinaganda rin ni Pericles ang Athens sa pamamagitan ng pagpapatayo ng magagandang gusali, isa na rito ang Parthenon.
ANG DIGMAANG PELOPONNESIAN
 (431-404 B.C.E)

  • Sinikap ni Pericles ang pagbubuklod ng mga lungsod-estado ss isang malawak na pederasyon na tinawag na Delian League. Ginamit ng Athens ang salapi ng Delian League sa pagtatatag ng malakas nitong plota at pagpapatayo ng magagandang gusali.
  • Sa pagiging imperyo ng Athens, nangamba ang ibang mga lungsod-estado. Nagsama-sama ang mga lungsod-estado sa Peloponnesus at itinatag ang Peleponnesian League upang labanan ang Athens. Kasapi nito ang Sparta, Argos, Corinth, Delphi, Thebes at Chaeronea.

IMPERYONG MACEDONIAN 

(336-263 B.C.E)

  • Hinangad ni Philip, hari ng Macedonia, na pag isahin ang mga lungsod-estado sa Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala. Upang matupad ang kanyang hangarin, bumuo siya ng isang hukbo at sinanay sa pinakamabisang paraan ng pakikipagdigma. Bilang pagtatanggol ng kanilang kalayaan, sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong 338 B.C.E. Madaling tinalo ni Philip ang hukbo ng dalawang lungsod-estado.
 

KABIHASNANG GREEK


  • Umunlad ang kabihasnang Greek sa dalawang yugto. Tumutukoy ang Panahong Hellenic sa dakilang panahon ng pamamayagpag ng kabihasnang Greek. Ang ikalawang yugto ay ang Panahon ng Hellenistic . Ang paghahalo ng kultutrang Silangan at Kanluran ay nagbunga sa bagong kultura na tinawag na Hellenistic.
 

2 komento:

  1. Best online merit casino【VIP】lucky
    Most หารายได้เสริม popular of all is the live casino game on their website, and 메리트카지노총판 this one is the only game that we think is one that septcasino could bring the very best in video

    TumugonBurahin
  2. The 14 Best Casino & Slot Machines in Las Vegas
    The best casino, slots, and video poker 정읍 출장샵 in 충주 출장샵 Las 춘천 출장샵 Vegas. The 10 Best Slot Machines in 광명 출장마사지 Las Vegas: 과천 출장마사지 Wheel of Fortune, Twin Spires, and

    TumugonBurahin